rss
twitter
    Find out what I'm doing, Follow Me :)

Round 2 Fight!

Hating-gabi.

Abala na naman kami ni Jose sa harap ng computer nang marinig namin ang tunog ng paa ni Sisa sa ikalawang palapag. Sa nangyaring trauma sa kanya nung unang laban, bigla siyang kinabahan at 'di mapakali sabay bulong kung okay lang ba na nandirito siya.

Panatag akong nasermonan na si Sisa ni Kikay dahil binalitaan ko sa nangyari nung unang laban. Akala ko, alam na niya na tumatambay na naman si Jose sa bahay at binalewala na lamang niya ito. Pero mali, nagliparan ang mga gamit habang pasigaw na pinapaalis si Jose. Hindi agad tumayo si Jose dahil nabanggit ko na sa kanya kung ano ang gagawin pag nagkatopak na naman itong si Sisa. Panatag ako at palaban sa mga naihanda kong mga salawikain at salaysay ngunit sadyang napakunat at makapal mukha itong si Sisa at patuloy pa rin sa pagpapalayas sa kawawa kong kaibigan.

Madalang lang akong nagsalita at halos naka mute volume na yung boses ko sa una kaya hindi siguro narinig yung mga sinasabi ko at patuloy ang mga pagtapon ng masasamang salita sa akin na kasing-tunog ng "makapal ang mukha", "layas", at "tapon".

Malala na itong si Sisa. Di nakakapagtataka na sa aming magkakapatid, sa kanya yung tronong "psycho" at sa akin naman yung "kiko" dahil namana ko yata yung katangian ng erpat ko na pang-kapayapaan! Ito ang gusto ko!

Mahilig magtapon ng bagay itong si Sisa lalo na pag galit. Umakyat na siya at panay bato ko pa rin sa kanya ng mga mapatalinghagang salita na kasingtunog ng "psycho" at "mukhang pera". Naka volume 11 na yung boses ko nun. Sa may hagdanan, nailagan o kaya'y 'di tumama sa akin yung basurang itinabi niya sa may hagdanan. Bumalik na ata siya sa kuarto at ako nama'y nabitin sa mga naiwang punchlines at 'di mapakali dito sa baba.

Nang marinig ko ang yapak niya pababa ng hagdanan, 'di ko na sinayang yung pagkakataong batuhin ko siya ng tinapay ngunit ako'y parang bato na hindi niya nakita sabay kuha sa may kabinet at itinapon ang kanyang sirang digital camera sabay sabi "bayaran mo yan!"

Nag-kabatuhan kami nang mga salita at tulad ng dati, 'di na namin marinig yung mga boses maliban lamang sa mga salitang katunog ay "layas", "pera", "psycho" at "tapon". At naging tahimik uli ang buong mansyon.

Tinawagan ko si Yoyong, na kasalukuyan ay nasa aming bukirin, at ikinuwento sa kaniya ang nangyari. Ganun din, binalita ko si Kikay pagkatapos sa ilang minutong pagsubok na tawag sa Skype ay pumalpak pa yata itong kanyang telepono at nagkalowbat kaya nung pag-uwi na lang niya kami nagkausap.

Saan kaya hahantong ang labanang ito? Lalabas na kaya ang Hadoken ko o mauuna pa muna si Son Goku?

Mamayang umaga..

Ang aking pakikipag areglo sa isang pyscho...... ABANGAN!

0 comments: