Kanina, bandang ala-una ng madaling araw sa loob bahay...
Habang abala kaming dalawa ng kapitbahay kong si Jose sa harap ng computer, bigla na lang sumugod si Sisa at galit na galit na pinapalayas ang kaibigan ko. Siyempre, nagulat kaming dalawa at napahinto sa aming kinaaabalahan. Nahiya ako dahil pinagtitripan ni Sisa si Jose. Si Jose ay isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan mula nung kami'y nagbibinata pa lamang. Kaya ganun na lang ang galit ko kay Sisa at sinigawan ko rin siya! Bakit bigla na lamang ang buhos ng galit niya samantalang dati'y dito na tumatambay si Jose? Naitanong ko sa kanya at agad naman itong sumagot si Sisa ng pasigaw.
"RRRRAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!"
Siyempre wala kang maiintindihan kung di ka sanay sa mala-sirenang boses niya. Ang pag-iwan ng mga abo ng sigarilyo sa ash tray ni Jose kagabi ang nakita ni Sisa kaninang umaga kaya gayon na lang ang galit niya sa kaibigan ko.
Makapal daw ang mukha nitong si Jose na parang sino kung pumasok dito sa bahay na daig pa'y nakatira mismo dito sa bahay. Syempre, inimbita ko siya dahil mula nung nag homebased na ako, ako lang mag-isa dito at okay sa akin yung pagbibisita ng mga katropa ko. Dati nama'y tumatambay na si Jose sa bahay. at normal lang din ang kaniyang kilos at nagpapaka-comfortable kase sabi ko nga "feel at home lang bai tulad ng dati."
Nakakapagtataka lang kasi dati nama'y tahimik kaming nagkukuwentuhan nina Jose at Carlos na may kasamang beer at sila'y nagyoyosi habang si Sisa ay naaaliw sa paggamit ng computer ko at nagpapa-harvest sa kanyang farm town. Minsan na nga rin lang ako nakikipagsabayan sa mga kababata ko dahil dati madalas abala ako sa trabaho nung pumapasok pa ako sa opisina.
Pero nung gabi na yun, naghasik ng lagim itong si Sisa. Ang kawawang Jose, kusa na lang umalis sabay humingi ng paumanhin.
Nagalit ako kay Sisa sa ginawa niyang pambabastos sa matalik kong kaibigan! Sa luwag ng sala at nag-eecho pa, kulang na lang mag-aalarma ang kampo na parang sinalakay ng mga rebelde. Yung bahay kase namin katabi lang sa kuta ng mga sundalo.
Nagpupumigil ako. Nanginginig na umiinit yung kamay ko na parang magkakaroon ako ng hadoken at ihahadoken ko sa kanya! Yun yung pinakaunang beses na umabot ang boses ko ng volume 12 na dati'y nasa 11 lang pag may konting tampuhan kaming magkapatid.
Pero nung oras na yun, tuluyan nang nawala ang respeto ko sa kanya bilang nakakabatang kapatid. Pambabastos na nagdulot ng pansamantalang trauma sa kaibigan ko ang ginawa niya at pati ako'y parang tinanggalan na ng karapatan bilang kapatid at gusto pa niya akong palayasin sa sarili naming bahay!
Nagbalak siyang itapon ang mga computers at iba pang mga gamit dito sa bahay 'pag nakita pa niya ito kinabukasan. Nagsasagutan kami na halos hindi na namin marinig ang aming mga sinasabi.
Natapos ang aming sigawan nung gabing iyon nang siya'y umakyat sa kanyang kuarto at nag iwan ng mga salitang katunog ang "layas" at "tapon".
Napansin ko at siyempre, tulad ng mga ginagawa niya dati sa apartment ng eldest ate namin, nagkukulong na naman siya sa kuarto at lumalabas lamang pag may lakad o nag iinit ng tubig sa kusina dito sa baba.
Tuloy pa rin ang pag bisita ng mga katropa , ka-bloggers, at ka-bikers ko dito sa bahay habang ang tunog ng kanyang mabibigat na paa sa taas ang nagpapatunay na may buhay sa ikalawang palapag.


0 comments:
Post a Comment